Agno, Pangasinan niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Pangasinan.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 25 northwest ng Agno bandang 12:05 ng tanghali.

Labimpitong kilometro ang lalim at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig, ayon pa sa Phivolcs.

Read more...