Pia binisita ang pamilya sa UK: ‘One more week of self-isolation and I get to hug my family’

FINALLY, nakawala na sa kanyang “kulungan” si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach!

Makalipas ang ilang buwang pamamalagi sa kanyang condo unit dulot ng malawakang lockdown, muling nakabalik sa United Kingdom si Pia para makapiling ang pamilya.

Ramdam na ramdam sa latest Instagram post ng beauty queen-actress ang sobrang excitement dahil malapit na niyang makapiling ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang sister na si Sarah at pamangking si Lara.

Ipinost ng dalaga ang ilang litrato na kuha sa tinutuluyan niya ngayon sa UK kung saan ilang araw pa siyang kailangang manatili dahil sa required self-isolation.

“One more week of self-isolation and I get to hug my family. Thank you sis for dropping by to literally drop groceries by the gate finally makakakain na ko ng adobo. Hahaha.

“It’s an odd feeling only seeing family and not being able to hug them but it’s all good it’s only temporary and for the safety of everyone!

“Konting tiis na lang and I love that little Lara knows and understands social distancing,” caption ni Pia sa kanyang IG photos.

At bago pa siya ma-bash ng mga netizens, ipinaliwanag na rin ni Pia kung bakit walang suot na face mask ang pamangkin niyang si Lara sa isang video na ibinahagi niya sa kanyang followers.

“Sa mga nagtataka po this photo was taken a few days ago pa, yung pagsuot ng masks sa UK today (July 24) lang po naging mandatory dito at children below 11 years old di po kailangan magsuot.

“Iba iba po talaga mga patakaran depende kung nasaang bansa ka,” pahayag ng girlfriend ng hunky businessman na si Jeremy Jauncey.

Paalala pa ni Pia sa madlang pipol ngayong patuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 case sa buong mundo, “Keep safe everyone at sumunod po tayo sa mga protocol!

“At sa mga nakakasama naman yung pamilya nila ngayon naku ihug nyo po sila ng mahigpit dahil napaka swerte nyo po na nakakasama nyo sila!” aniya pa.

Read more...