Isa raw ito sa mga sikreto ng kanilang mas tumatatag pang relasyon. Naniniwala sila na ang pagtanggap sa kakulangan o kahinaan ng bawat isa ay mahalaga para mas tumindi pa ang kanilang pagmamahalan.
Ayon sa celebrity couple ang pinakamahalagang aspeto ng pag-ibig na natutunan nila sa buhay ay ang pagtanggap sa pagkakaiba ng bawat isa.
“Ang pinakamahalagang aspeto ng pagmamahal ay ang pagtanggap natin sa ating pagkakaiba nang walang panghuhusga.
“Ganyan kasi tayo magmahal, mga Kapuso, walang pinipili, buong-buo,” ayon kay Jennylyn nang hingan ng message para sa ika-70 anibersaryo ng GMA 7.
Kung natatandaan, nabigyan ng second chance ang dalawa matapos mag-break noong 2011. Nagkabalikan sila taong 2015, kung kailan sila nagtambal para sa GMA series na “My Faithful Husband.”
Aminado sina Jen at Dennis na selosan at immaturity ang dalawa sa mga dahilan ng kanilang break-up noon.
Sa ngayon, palaging sinasabi ni Jennylyn na si Dennis talaga ang kanyang “greatest love” habang “the one” naman kung tawagin ni Dennis ang kanyang girlfriend.
Bukod sa kanilang relasyon, proud parents din ang dalawa sa kanilang respective sons — 11 years old na ngayon ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz at 12 years old naman ang anak ni Dennis na si Calix sa dating girlfriend na si Carlene Aguilar.