Sarah, Matteo nakapag-honeymoon na; AshMatt fans nag-thank you kay Belo

SA wakas, natuloy na rin ang naunsyaming honeymoon ng showbiz couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ito ang ibinandera ng celebrity dermatologist na si Dra. Vicki Belo sa kanyang mga Instagram followers.

Nag-post ang doktora sa IG ng ilang litrato nina Sarah at Matteo na kuha sa kanilang honeymoon kasama ang kanyang anak na si Scarlet Snow Belo with their pet dogs.

Pero bago ito, nagpahula muna ang asawa ni Hayden Kho sa mga netizens kung kani-kaninong legs ang nasa photo. Mukhang kuha ito sa yate sa isang beach or island resort.

“Can you guess which lower legs BELOng to whom? Answers to be posted later tonight,” ang caption ni Belo sa nasabing IG post.

Maraming nanghula sa mga mystery legs na nasa litrato pero puro mali kaya nagbigay na ng clue ang celebrity doctor.

“You guys are good. After I gave the delayed honeymoon clue, the majority of you guessed right @matteog @scarletsnowbelo and @justsarahgph,” pahayag pa ni Belo.

Walang ibinigay na karagdagang detalye si Belo tungkol sa honeymoon ng AshMatt pero may mga nagsabi na ito raw ang kanyang wedding gift sa mag-asawa.

Kanya-kanyang hula rin ang mga Popsters kung kailan at saan nangyari ang honeymoon. Pero anila, ang mahalaga ay natuloy na rin finally ang na-delay na honeymoon dahil sa COVID-19 pandemic.
Nagpasalamat din ang mga Popsters kay Belo dahil sa hatid na pampa-good vibes ng mga ipinost niyang litrato. Kahit paano raw ay naibsan ang matinding pagka-miss nila kay Sarah G at Matteo.

Ikinasal sina Sarah at Matteo nitong nagdaang Pebrero sa isang secret Christian wedding sa Victory Church, Taguig city officiated by Senior Pastor Paulo Punzalan.

Read more...