Umakyat na sa mahigit 15 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa pinakahuling datos, 15,091,452 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa 4,028,569 matapos makapagtala ng mahigit 67,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 44,000 bagong kaso habang mahigit 39,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 2,166,532
India – 1,194,085
Russia – 783,328
South Africa – 381,798
Peru – 362,087
Mexico – 356,255
Chile – 334,683
Spain – 313,274
UK – 295,817
Ang datos ay patuloy na tumataas habang lumuluwag ang mga lockdown af quarantine restrictions sa maraming bansa.