Nasa siyam ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 21, umakyat na sa 9,145 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 68 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,131 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,369 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, umakyat na sa 645 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OFW sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,605 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,075 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 698 naman ang kaso sa Americas at 767 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.