Alice handa nang magsalita tungkol sa taong-ahas: pasabog ba o promo lang?
NA-CURIOUS ang madlang pipol sa latest Insragram post ni Alice Dixson patungkol sa urband legend na kinasangkutan niya tatlong dekada na ang nakararaan.
Nangako ang aktres na magsasalita na siya tungkol sa kumalat na tsismis 30 taon na ang nakararaan na nangyari umano sa isang kilalang shopping mall sa Metro Manila.
Ito yung urban legend tungkol sa isang “taong ahas” na nasa ilalim daw ng mall na nambibiktima umano ng magagandang babae na kanyang matitipuhan.
Nag-post si Alice sa Instagram ng isang video clip kung saan makikita ang muli niyang pagpunta sa nasabing mall.
Nangako siya na sa susunod niyang vlog ay ikukuwento na niya ang tunay na nangyari sa kanya nu’ng araw na yun.
“Mahal kong kababayans, hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention.
“Nais ko lang linawin ang mga naganap nung dalaga pa ako.
“I made a promise to a dear friend. I said I would tell my side of the story this year at dahil 30th anniversary na this month, it is NOW time.
“Yes, 3 decades na! And I’ve never said a word or explained my side,” sabi ng aktres. Mapapanood daw ito sa susunod na vlog sa kanyang YouTube channel.
Kung matatandaan, sa isang TV interview itinanggi na ni Alice ang kuwentong ito. Aniya, “Supposedly, pero hindi ‘yan totoo!”
May mga na-excite sa magiging pasabog ng aktres pero may mga nangnega rin sa kanya dahil feeling nila, promo lang ito at wala naman talaga siyang bonggang aaminin about the “snake man.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.