Gretchen pumalag sa bagong paandar ni Lolit Solis sa Instagram

DALAWANG magkasunod na aria ang pinalagan ni Gretchen Barretto.

Patungkol ito sa nawawalang P150,000 daw na gift ni La Greta for the press. Muling binuhay ni Lolit Solis ang issue sa kanyang Instagram post.

“Natandaan mo ba Gorgy iyon anak ni Mrs. Nonie na si Jojo Uy ng Cebu? Alam mo ba na si Jojo Uy ang pinaka bestfriend ni Atong Ang? Bongga iyon, karton karton kung magbigay ng danggit, pusit, dried mango at chicharon, hindi supot ha , kahon.

“Gusto niya mag meet kami at mag usap ni Atong Ang pero tumanggi ako. Hindi ko naman ugali na mag standby at dumalaw sa bahay ng kung sino sino, tapos pag nagkaruon fall out kung anu ano pa ang tsismis na lalabas, di bah?

“Baka now is the time na dapat ibigay na iyon 150K na lucky money na tinatanong ni Gretchen Barretto kung saan napunta, at isinoli naman daw kay Atong Ang iyon lang iyon. Kung gusto ibigay uli ipagkatiwala kay Bettina Aspillaga para ipamigay, fine and good, di bah.

“Tutal naman budget na ni Gretchen iyon for showbiz friends, di ibigay na now na mas kailangan dahil sa pandemic. Kaya Jojo Uy ok lang hindi kami mag usap ni Atong Ang, iyon na lang ibigay mo message, kay Bettina na lang give money for distribution, tiyak makakarating, hah hah.

“Hindi ko na gusto pa mag meeting, baka mamaya ano pa matanong ko, kaloka, hahaba pa issue. Thank you.”

‘Yan ang nakakalokang post ni Aling Lolit. Agad-agad ang pagpalag ni La Greta. Sinupalpal talaga niya ang talent manager.

“CORRECT…MR. JOJO UY CALLED MR. ANG TO SAY HE DID NOT ASK FOR A MEETING FROM LOLIT FOR MR. ANG. (WHY WOULD MR. ATONG ANG NEED A MEETING FROM LOLIT IN THE FIRST PLACE,” sagot ni La Greta.

“AND WHY WOULD YOU MAKE IT SEEM LIKE YOU DECLINED THE OFFER OF A MEETING WITH MR. ANG (MIND BOGGLING),” hirit pa ni La Greta.

Then Aling Lolit posted another story.

“Iyon naman kaso ng 150K kaya lang uli pumasok sa utak ko dahil parang wala naman closure. Hindi mo na alam kung ano ang umpisa at gitna, iyon lang ending na sinoli iyon sobra kay Atong Ang.

“Para bang sa dami ng nagamit na pangalan, mga nadamay, mga nagkasakitan pa ng loob, wala naman naging maliwanag sa issue. Kahit si Bettina Aspillaga clueless sa kung ano ba talaga, bakit nagkaganuon, ano ba ang nangyari at hindi na disburse iyon budget kaya umabot sa kaguluhan.

“Naku kahit ano pa ang nangyari, basta naging malinaw, meron 150K na galing kay Atong Ang na nuon huli parang naging 3 150K na lalo pang nakalito sa issue.

“Pag nasa mood ako, baka tanggapin ko na ang invitation sa merienda para makuha mga sagot sa mga tanong ko, pero dahil meron pang ECQ magtiis muna ako sa BBQ, saka na ang chinese lunch na invitation, hah hah hah.”

Napansin ng IG followers ni Aling Lolit na tila may obsession siya sa P150K kaya parang inaaraw-araw niya si La Greta.

“Inaaraw-araw talaga para mapilitan si @gretchenbarretto magbigay? Halatang-halata ang pagiging mukhang pera Manay @akosilolitsolis ah! Walang-wala na ba?”

“Hindi masaya si lolit na makita tahimik si gretchen ngaun kaya binubuhay nya issue…..kung talagang habol nya eh un pera sa dami ng kilala nya common friends nla.bkit nd nya pasabi kung talagang habol nya eh maitulong sna…..pera perq lang talaga galawan nya sa edad na 73.”

“Meron ka pa bang credibility lolit? Epal.”

“Ayaw padin tumigil. Pinupwersa mo si La Greta na bigyan ka ng pera. Nakakahiya ka mukhang pera ang tanda mo na uy.”

Read more...