Angel na-touch sa ginawa ng misis ni Matteo: Thank you Sarah G, mahal kita!

NAGPASALAMAT si Angel Locsin kay Sarah Geronimo matapos itong magpahayag ng suporta at pagmamahal sa ABS-CBN.

Mariing dinenay ng aktres na isa si Sarah sa pinariringgan niya sa huling mensahe niya patungkol sa mga Kapamilya stars na tila walang pakialam sa mapait na sinapit ng kanilang network.

Matapos magpatutsada si Angel sa ginanap na rally sa compound ng ABS-CBN, biglang naglabas ng official statement ang Popstar Royalty sa kanyang social media account.

Dito inihayag ng misis ni Matteo Guidicelli kung gaano kalaki ang tinatanaw niyang utang na loob sa kanyang mother network.

“Malaking bahagi po ng aking karera ang ABS-CBN. Maliban po sa pamilya ko at sa aking manager na si Boss Vic, ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses na sumugal at sumuporta sa akin bilang artista at performer.

“Niyakap nila ako at inalagaan nang husto na parang kanilang sariling ‘anak’ o homegrown talent.

“Malaki po ang utang na loob ko sa network na ito at habangbuhay ko po ipagpapasalamat ang bawat oportunidad, tiwala na ibinigay nila sa akin,” pahayag ni Sarah G.

Sa kanya namang Instagram account, agad nagpasalamat si Angel sa pagsuporta ni Sarah sa istasyon at pakikisimpatya sa libu-libong manggagawang mawawalan ng trabaho.

“Nagsalita si Sarah. Iniisip ng tao pinaparinggan ko sya, pero hindi eh.

“I know how ‘pure’ she is. Wala siyang social media, alam rin na hindi sya vocal sa maraming bagay bilang ang bait. Pero nagsalita sya. At nakakatuwa yun,” pahayag ni Angel.

Sa isa pa niyang post sa Instagram Story, nagbigay uli ng mensahe si Angel sa award-winning singer-actress, “Thank you, Sarah G. Mahal kita.”

Read more...