Sikat na female celeb nilayasan ang ex-BF, ‘raket’ sa mayayamang babae nabuking

 

 

HINIWALAYAN ng isang kilalang female celebrity ang dati niyang boyfriend dahil umano sa pambababae nito.

At hindi lang daw kung sinu-sinong babae ang pinapatulan ng guy habang magkarelasyon pa sila ng kanyang GF kundi mga super rich girls talaga.

Ayon sa isa nating source, nabuking ni female celeb ang kanyang dyowa na kung kani-kanino raw “rich woman” nakikipag-date kapalit ng pera at mga mamahaling regalo.

“Matagal na pala siyang niloloko ni _____ (pangalan ng boyfriend), pero late na niya nalaman. In fairness, five or six years din tumagal ang relationship nila kaya maraming nanghinayang nang mabalita na wala na sila.

“Nagkakaroon na rin sila noon ng mga problema pero ito talaga yung main reason ng break-up nila. She found out that this guy had been going out with other women as in rich women.

“Apparently, may money involved. Though hindi natin alam kung sapilitan ba o kusang-loob ang pagbibigay sa kanya ng mga dine-date niya but just the same, panloloko pa rin yun,” sabi pa ng ating source.

Aniya pa, “Pasalamat siya matalino, edukada at mabait si ____ (name ni female celeb) kaya hindi na niya ipinagsabi ang panloloko sa kanya kahit sa mga kaibigan niya. Pero kung sa iba siguro niya ginawa yun, patay siya!”

Dagdag pa niya, kung matutuloy ang plano ng isang taong na-link din noon sa ex-dyowa ni female celebrity, baka raw magsalita ito anytime against the guy na kahit paano’y nakilala rin ng publiko dahil nga boyfriend siya ng sikat na female star.

Read more...