SIGURADONG iyak din nang iyak ngayon si Anne Curtis dahil sa matinding lungkot at sama ng loob sa nangyaring tanggalan sa ABS-CBN.
Malayo man sa Pilipinas, muling ipinadama ng TV host-actress ang kanyang pagsuporta at pagmamahal sa libu-libong mawawalan ng trabaho sa tuluyang pagsasara ng kanilang network.
Nasa Australia pa rin ngayon si Anne kasama ang asawang si Erwan Heussaff, ang panganay nilang anak at iba pa nilang kapamilya.
“My heart breaks along with you,” ang simulang mensahe ng Kapamilya actress sa lahat ng mga natanggal sa ABS-CBN dulot ng desisyon ng Kongreso na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang istasyon.
“I still cannot fathom how those in power could let this happen… I mean how is allowing a company to shut down and people losing jobs they love, a solution to what already is a crazy time?” pahayag pa ni Anne sa ipinost niya sa Instagram.
Hindi raw talaga maisip ni Anne kung paano pa nakakatulog ang mga kongresistang nagpasara sa ABS-CBN lalo pa’t patuloy pa rin ang problema ng bansa sa pandemya.
“How do they sleep at night knowing that because of their decision, people are now suffering from sadness, anxiety, panic and are just scared for what will happen next?
“I really don’t know what to say. I’m sorry that those who were in position to do the right thing chose to be heartless. I’m so sorry,” lahad pa ng It’s Showtime host.
Dugtong pa niya, “I may not be there physically to stand with you, as some of you know I am not there and have a little one to look after…. but know with all my heart I stand with you and share your sadness.”
“Love your Stephanie, Imang, Dyosa, Celine, Dyesebel and your crazy bunso Showtime host, Anne. Isang mahigpit na yakap,” sey pa ni Anne.
Noong in-announce ang desisyon ng Congress na hindi na bibigyan ng bagong prangkisa ang network, matapang ding naglabas ng kanyang saloobin si Anne sa IG.
“I am lost for words. My heart breaks for everyone that is affected by this…. from our bosses to all the employees and the loyal viewers of ABS-CBN…. It is indeed a very sad day.
“I know people won’t forget this. Maraming Salamat sa lahat ng sumuporta at nagdasal. I stay hopeful that somehow this isn’t the end… A big hug to my Kapamilya Family,” pahayag ng aktres.