ALAM lahat ni Sam Milby ang mga ipino-post ni Clint Bondad sa social media patungkol sa kanya at sa girlfriend niyang si Catriona Gray.
Abala ngayon si Sam sa taping ng teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” kasama sina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria at Iza Calzado. Sa katunayan, inaabot siya ng mahigit 30 sequences sa bawat taping day.
Pero sa kabila nito, aware siya na ilang araw nang tinutuligsa si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng dati nitong karelasyon na si Clint sa pamamagitan ng mga cryptic post, idagdag pa ang mga malilisyosong balita na lumalabas tungkol sa beauty queen.
Nu’ng una ay hindi na lang nila pinatulan si Clint, instead ay nag-post siya ng advocacy nila ni Cat, partikular na ang pamamahagi nila ng tulong sa mga batang taga-Tondo na matagal nang tinutulungan ng dalaga bago pa siya naging Miss Universe.
Marahil ay nanggigil si Clint sa pangdededma sa kanya nina Sam at Cat kaya sunud-sunod na ang pinagpopo-post niya na paninirang-puri sa dating karelasyon.
Kagabi, marahil ay rest day nina Sam sa taping kaya nabigyan niya ng panahong sagutin ang issue sa pamamagitan ng isang official statement.
Aniya, “I cannot simply stand by and allow other people to take control of a narrative that is not theirs to tell.
“Cat and I have chosen to keep our relationship mostly private. It was only until recently that we made an exception, to lend our voices to charitable causes.
“But that does not mean that there is truth to any of these false stories and fake news that people are creating to fill in the blanks.
“In fact, these wrongful accusations and defamatory lies are dangerous.
“One’s silence doesn’t imply guilt. It has been our initial choice not to dignify nor respond to all these baseless claims.
“Cat is one of the kindest souls I’ve ever known. She is always putting other people first, thinking of how to use her voice and talent to help other people in need.
“Her grace, dignity, and strength even in the midst of all these false accusations make me admire and love her even more.
“I will always be here for her and will do always in my power to protect her,” pahayag pa ni Sam.
Walang binanggit na pangalan kung sino ang pinatatamaan ng binata pero naniniwala kami pati na ang lahat ng nakabasa ng kanyang pahayag na ito’y para kay Clint Bondad.