Bilang ng tinamaang ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 67,456

Nadagdagan pa nang mahigit 2,200 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Linggo ng hapon (July 19), umabot na sa 67,456 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 43,160 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,241 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 58 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,831 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 398 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 22,465 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...