Kris apektado sa kanta ni Taylor Swift: Iisa ang hangarin natin, makabangon ang ating bayan!

MALAKING bahagi ng pagmu-move on ngayon ni Kris Aquino sa mga naging kaganapan sa kanyang buhay ang isang kanta ni Taylor Swift.

Recently, nagbalik-Instagram na ang TV host-actress at ipinaalam sa kanyang fans and followers na muli syang magiging active sa social media.

Pansamantalang nagpahinga sa socmed si Kris matapos mapurnada ang pagbabalik sa telebisyon — hindi natuloy ang gagawin sana niyang bagong talkshow sa TV5.

Sa kanyang latest IG post, may hugot si Kris about moving on at ang pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa bansa sa gitna ng kinakaharap na mga problema ng Pilipinas.

Ibinahagi ni Kris sa IG ang kanyang litrato suot ang bonggang-bonggang pink gown na may caption na hango sa kanta ni Taylor Swift na “Soon You’ll Get Better.”

“During these times, these particular lyrics at the end of my post resonate for me, probably for you, most likely for all of us… please continue to have FAITH because SOON YOU’LL GET BETTER,” ang simula ng mensahe ng mommy nina Joshua at Bimby.

Dugtong pa niya, “We must constantly remember, we’re in this together. I’m not blind nor am I deaf, I know so much divides us BUT collectively, WE LOVE OUR MOTHERLAND.

“MAHAL NATIN ang PILIPINAS at iisa ang hangarin nating lahat- makabangon ang ating bayan, tumibay sa pinagdaanan, naging mas matatatag, mas matapang, at mas handang tumulong sa kapwa.

“And I hate to make this all about me
but who am I supposed to talk to?

“What am I supposed to do
If there’s no you?”

“This won’t go back to normal, if it ever was
“It’s been years of hoping, and i keep saying it because…‘cause i have to

“Soon you’ll get better
“You’ll get better soon
“Cause you have to…

“Written by Taylor Swift, Jack Antonoff.”

Read more...