Mga palabas ng Cornerstone, mapapanood na online

 

ANG bilis ng transition ng Cornerstone Entertainment into digital online para sa venue ng kanilang talents na nawalan din ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic, lalo na ang mga singer.

Sabagay dati pa namang inilunsad ang CSTV o Cornerstone TV na may 723,565 followers sa Facebook at 157k subscribers sa YouTube.

At para lalong lumakas ay may pakontes pa sila sa FB page nila: ang OPPA-NALO na para sa Hallyu fans or K-fanatics. Ang mechanics ay may trivia game show para malaman kung talagang mahilig sa K-pop at K-drama ang mga sasali.

Ito ay iho-host ni Oppa Heartthob Yohan King tuwing Lunes, 8 p.m..

Mapapanood naman tuwing Martes, 6 p.m. ang WITTY 101, ang unique game show that mainly tests your wit! Quick thinking at acting skills with humor naman ang hatid ng show ng theater actress/movies na si Via Antonio.

Tuwing Martes din sa ganap na 7 p.m. ang FITNESS TIPS FOR LAZY PEEPS para sa tinatamad o walang urge mag work out sa bahay nila dahil nasanay na pumunta sa gym.

Tiyak na hindi ka tatamarin at mas gaganahan ka pa kapag ang mga host ay si Sexy Jazz Crooner and Fitness Junkie na si Markki Stroem, ang hot bida sa hot topic ngayong digital series na Unlocked.

Inaabangan na rin ng marami ang DEAR EMPOY tuwing.Biyernes, 8 p.m., ang game show nina Empoy kasama ang co-host niyang si Esfren, Mark Oblea na sinasabing funniest online game show, “Ito Ang Game Show Na Magbibigay Ng Katatawanan at Ayuda”.

May VOCALYMPICS: VOCAL BAKBAKAN TO D’ MAX para sa mga mahihilig sumali sa singing competition sa loob at labas ng bansa. Kung kabilang kayo sa mga biritero’t biritera, pasok kayo sa online show at makakakasama ninyo sina Head Vocalicious Judge, King of OPM Themesongs Erik Santos, Welwel Silvestre, Via Antonio, with celebrity Vocalicious Judge every week — Yeng Constantino, KC Concepcion, Kyla, Zephanie consecutively.

Gracing this Saturday’s Grand Finals (for the first season) are Angeline Quinto as guest judge and Zephanie this time as guest performer.

SOUL IN LOVE LIVE naman ang hatid ng CSTV tuwing Linggo, 8 p.m. para sa live gig nights kasama ang King of R&B na si Jay R, Inigo Pascual, KZ Tandingan, Jason Dy at Kyla.

Pasok din ang Soul Diva na si Jaya sa kanyang STRAIGHT TALK WITH JAYA.

“There are certain things that we only discuss behind the scenes, sa dressing rooms, sa phone and it just might be revealed here. Dito ang mga hindi inuungkat, uungkatin. Ang mga iniiwasang pag-usapan, pag-uusapan.”

At dahil kakaiba ang show na ito ni Jaya ay nag-trending ang nakaraang two episodes na hindi ring inaasahan na humamig ito ng maraming views at thousands of online engagements.

Kasama sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Songbird Regine Velasquez, Concert King Martin Nievera and Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Ang iba pang shows ng CSTV na successful sa first season at muling ibabalik sa airwaves soon ay ang ONLINE TOGETHER: ANG DIGITAL FAN MEET NG BAYAN ang kakaibang bonding at catching up experience kasama ang mga mga paboritong Cornerstone artists at supporters.

Ang CS artists ay sina Yeng Constantino, KZ Tandingan, Zephanie, Inigo Pascual, KC Concepcion, Kyle Echarri, Erik Santos and Rachelle Ann Go treated their fans and completed the whole season, Wednesdays at 8 p.m.

Ang LUNCH WITH THE STARS ay tuwing Biyernes, 12 noon. Makaka-tsikahan over lunch ang mga paboritong CS stars with games and surprises para mas lalong ma-excite ang fans dahil makikita nila ang kanilang mga idolo kung ano ang ginagawa sa loob ng bahay nila partikular sa kitchen nila kung ano ang paborito nilang lutuin at kainin.

Ang pinakahumamig ng maraming views ay ang episode ni Sam noong kaarawan niya at kung saan kinilig siya sa birthday message ng girlfriend niyang si Catriona Gray at doon na rin umamin ang aktor.

Abangan ang marami pang handog ng CSTV dahil soon ay into digi-series na rin sila kasama ang mga paboritong Cornerstone artists.

Read more...