NAGBALIK-TRABAHO man si Sam Milby para sa kanyang teleserye, inaatake pa rin siya ng matinding kalungkutan dahil sa sinapit ng ABS-CBN.
Nagsimula na uling umikot ang mga camera sa pagpapatuloy ng taping ng “Ang Sa Iyo Ay Akin”, base na rin sa ipinost ni Sam sa kanyang Instagram.
Nag-post din sa IG ang character acttess na si Loren Burgos ng isang BTS (behind-the-scene) photo kasama si Sam patunay na tuluy-tuloy na ang trabaho nila.
Bukod kay Sam bibida rin sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” sina Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano at Iza Calzado.
Sa isang Instagram post ni Sam, naikuwento nga niya ang pagbabalik nila sa trabaho ngunit durog din ang kanyang puso dahil maraming mawawalan ng work sa tuluyang pagsasara ng ABS-CBN.
Caption ng Kapamilya actor, “This past week started with so much promise: the blessing of our taping resuming, feeling the first hints of ‘normal’ since the pandemic started.
“But the last two days… it’s been hard to know what to feel, let alone what to say,” pahayag ng boyfriend ni Catriona Gray.
“To be honest, I’m still in disbelief with the decision that was made and the volumes it speaks about the future of our nation.
“I have so much respect and admiration for the ABS-CBN bosses and how they handled the hearings with humility, respect, and willingness to grow.
“This is still hard to accept, and the challenges appear unsurmountable but we have an even bigger God and I put my faith in Him. Babangon uli tayo Kapamilya,” lahad pa ng aktor.