Paolo #shookt sa tagumpay ng TNAD: Feeling ko nagulat sila, kasi umiiyak ako!

HINDI inakala ni Paolo Contis na dalawa sa mga pelikula niyang hindi masyadong pumalo sa takilya noon ay magiging number one sa Netflix Philippines.

Ang tinutukoy ng Kapuso actor ay ang “Through Night And Day” at “Ang Pangarap Kong Holdap” na parehong nagmarka sa mga manonood ngayong panahon ng pandemya.

Pumasok sa Top 10 ang dalawang movie ni Paolo hanggang sa mag-number na nga sa nasabing online platform kaya naman bigla itong nag-trending at naging hot topic sa social media.

Ipinalabas ito sa mga sinehan noong 2018 pero ngayon lang ito umingay dahil mas marami na ang nakapanood dito. This was produced by Viva Vilms and directed by Veronica Velasco.

“Masaya siyempre. Kumbaga, a year and a half medyo ano ka na noon e, tapos mo nang isipin ‘yung pelikula. Na-excite naman ako na pumasok siya sa isang online platform pero sobrang nagulat ako sa reception ng tao. Thankful ako na maraming nakapanood, finally!” sey ni Paolo.

Sa isang panayam sa Kapuso actor, sinabi nitong hinding-hindi niya malilimutan ang naging work experience niya sa Iceland kung saan kinunan ang “Through Night And Day” with Alessandra de Rossi.

“Ang saya sobra! Sa Iceland kasi, siyempre kapag nagsu-shooting kayo ng ibang bansa, tulong-tulong na ‘yan, e. ‘Yan ‘yung mga hindi nakikita ng tao na naghahakot ako ng ilaw papunta sa location. Sobrang saya.

“Tapos ‘yung mga dialogue pa na kailangan hindi kami nanginginig. Negative 10 kami nu’ng nagsu-shooting. Especially kapag gabi,” pagbabahagi ni Pao.

“Feeling ko nagulat lang din ‘yung tao kasi nauna ‘yung Ang Pangarap Kong Holdap na isang pelikula ko rin na nag-number one rin.

“So feeling ko nu’ng lumabas ‘yung Through Night and Day, not knowing na drama ‘yon nanood sila. Tapos ayon, gradual naman ‘yung pag-angat niya, e.

“‘Di naman siya agad nag-number one, e. Tsaka nagulat sila na umiiyak ako. Feeling ko du’n sila nagulat,” lahad pa niya.

Read more...