Ivana todo kapag magmahal: Ibibigay ko lahat-lahat, to the max!

ILANG taon nang single at walang dyowa ang sexy star-vlogger na si Ivana Alawi.
Tila na-trauma na kasi ang dalaga sa dalawa niyang ex-boyfriend na diretsahan niyang tinawag na mga manloloko.
Kaya naman umaasa siya at nagdarasal na sana’y ang susunod na lalaking mamahalin at makakarelasyon niya ay pang-forever na.

Sa latest vlog na ipinost niya sa YouTube, isang subscriber niya ang nagtanong kung bakit kaya may mga taong nanloloko, lalo na sa mga karelasyon nila.

“Alam mo, tanong ko rin iyan, e. Hindi ko masasagot kasi hindi pa ako nagloloko ever, sa relasyon.

“Sa relasyon, never pa ako nagloko or nag-two-time. Kasi ako, kapag nag-commit sa isang relasyon, as in sa kanya lang. I belong to you, and you belong to me,” tugon ng sexy actress.

Aniya, naniniwala siya na magiging faithful girlfriend siya kahit ano pa ang mangyari, “And hindi ako makikipag-text sa lalaki, hindi ako makikipaglandian. Hindi ako makikipag-DM. At open ako, ‘Oy, nag-DM sa ganito.'”

Ipinagdiinan din ni Ivana na todo siya kapag nagmahal at siniguro pa niya na hindi magiging problema ang showbiz career sakaling magkaroon na siya ng boyfriend.

“Hindi ako yung taong sasabihin ko, ‘Ay, iiwan kita kasi kailangan ko magtrabaho.’ No, guys.

“Kapag ako nagmahal, lahat-lahat ibinibigay ko. Without any limits ako magmahal. Ano ba yung no limits? It means to the max.

“Kung may hanggang langit, hanggang langit talaga magmamahal,” promise pa ni Ivana Alawi na tinaguriang bagong Pantasya ng Bayan.

Read more...