Isa na ngayon ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa mga kabataang celebrity na masasabing may paninindigan at walang kinatatakutan.
Halos lahat ng ipino-post niya ngayon sa social media ay nagiging kontrobersyal at talagang pinag-uusapan lalo na kapag ito’y tungkol sa politika at iba pang national issue.
Ilang beses siyang naging headline sa mga balita dahil sa paglaban niya kontra rape sa Pilipinas, pati sa usapin ng Anti-Terrorism Bill hanggang sa mga problema ng kanyang pamilya.
Ayon kay Frankie, matagal na siyang nagpo-post ng mga controversial issues sa Twitter pero ngayon lang napapansin ng madlang pipol.
“If you scroll down far enough, it’s the same stuff. It’s just that no one was paying attention before and for some reason recently like it really like blew up.
“I’m just bigger I guess so like people take me more seriously. Maybe it’s like that, right? I’m slightly bigger. I’m not a kid anymore just trying to put my thoughts out there,” paliwanag ng dalaga sa panayam ng GMA 7.
Ipinagdiinan pa ni Frankie na kahit napapansin na siya ngayon ng publiko, hinding-hindi pa rin niya iko-compromise ang kanyang mga prinsipyo sa buhay.
Aniya pa, “Like a lot of people I don’t think realize that I don’t treat Twitter like it’s my platform. How do I put this? I don’t treat it like it’s a megaphone, you know. I treat like it’s me.
“So a lot of people are like, ‘Why are you suddenly so vocal? And I’m like, ‘No. It’s not that I’m suddenly vocal. It’s just that you are suddenly seeing it. It’s just that for some reason there’s more people listening.”
Sinisiguro rin daw ni Frankie na kapag nagbigay siya ng comments sa isang issue ay alam na alam niya ang kanyang mga sinasabi.
“I’m never gonna be loud naman about things na hindi ko alam. ‘Di ba, parang nakakahiya naman for me to be so brave about opinions on things I haven’t read, I haven’t studied, ‘di ba? Parang nagbibigay ka ng class presentation pero hindi mo naman alam ‘yung topic mo, ‘di ba?
“I don’t think that I have the right to talk about things na I don’t know… If I want to learn about something then I’ll learn about it muna.
“Like when the Terror Bill came out, I didn’t tweet about it until I read the whole thing, you know, until I read the transcripts, until I read my dad’s. Like just one example,” sey pa ni Frankie sa nasabing panayam.
Paalala naman niya sa lahat, “I just hope to encourage people to do the same I guess because I feel like everyone needs to be educated on that level, ‘di ba?
“It’s not just like.. ‘wag lang makisawsaw, ‘wag lang mag-bandwagon in other words. Like it’s okay to bandwagon if you know enough but like I really suggest that everyone really take the time to just educate themselves,” pagtatapos ni Frankie.