Kaso ng COVID-19 sa Brazil, 2 milyon na

Sumampa na sa dalawang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa Brazil.

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 41,000 bagong kaso ng sakit sa magdamag.

Dahil dito, sumampa na sa 2,012,151 ang total cases ng COVID-19 sa naturang bansa.

Nakapagtala din ang Brazil ng mahigit 1,100 na panibagong nasawi sa magdamag.

Ang Brazil ay mayroong naitatalang mahigit 76,600 na nasawi dahil sa sakit.

Ang Brazil ay pangalawa sa mga bansa sa mundo sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 at pangalawa din sa mga bansa na may pinakatamaas na bilang ng nasawi.

Read more...