Hindi man binanggit ng Kapamilya actress kung anong nakita at nabasa niyang balita, naniniwala ang kanyang followers na ito’y may kinalaman pa rin sa tuluyang pagsasara ng ABS-CBN.
Ito ang hugot post ni Kim sa kanyang Instagram Stories, “Woke up reading PH news online. Parang gusto ko matulog ulit. Namali ako ng gising. Kay aga pa.”
Sa isa pa niyang IG post, makikita ang mga litrato ng kongresistang bumoto ng “YES” para sa pagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN. Nilagyan lamang niya ito ng limang heartbroken emojis.
Samantala, tuluyan na ngang magbabawas ng mga empleyado ang ABS-CBN simula Agosto 31, 2020. Sa official statement ng network, ipinaalam nila sa publiko na magbibigay sila ng separation pay base sa nakasaad sa batas, bukod pa sa ibabagi nilang retirement benefits.
Dahil sa malungkot na balitang ito, basag din ang puso ng mga Kapamilya stars na nagpahayag ng pag-aalala sa mga matatanggal sa network.
Pero naniniwala si Vice Ganda na tatayo mula sa pagkabagsak at makakabawi rin ang lahat ng maaapektuhan ng ABS-CBN shutdown.
“Mahihirapan ngunit kakayanin. Madadapa ngunit babangong muli,” tweet ni Vice.
Sa Instagram at Twitter naman idinaan ni Karla Estrada ang kanyang mensahe, “Mahigpit na Yakap Mga Kapamilya. Darating din ang Araw na tayo ay magkakasamang muli.
“At hawak kamay nating hahaharapin ang bagong bukas na taas noo kahit Kanino. in GOD’s perfect time.”
Ni-repost naman ni Angel Locsin sa Facebook ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa magaganap na tanggalan kalakip ang tatlong broken heart emojis.