NAG-ALAY ng dasal sina Julia Montes at Ogie Alcasid para sa lahat ng mga empleyado ng ABS-CBN na matatanggal sa trabaho.
Kahapon, inihayag na ng TV network na magbabawas na sila ng mga manggagawa simula Agosto 31, 2020 matapos ang tuluyang pagbasura ng Kongreso sa franchise application ng istasyon.
Sunud-sunod ang pagpo-post ng mga Kapamilya stars at empleyado ng network tungkol sa magaganap na tanggalan sa mga susunod linggo.
Isa si Julia sa mga artista ng ABS-CBN na agad nag-post ng kanyang mensahe para sa mga kapwa niya Kapamilya kasabay ng pag-aalay ng dasal.
“Lord, tulungan N’yo po kami …hindi na biro ang ginagawa sa aming mahal na tahanan.
“Paano po ang mga anak N’yo na umaasa sa kumpanya? Kami po ay lumalapit na gabayan N’yo po kami sa laban na ito. Imulat ang lahat sa TAMA at TOTOO,” panalangin ng aktres.
Makalipas ang matagal na panahong pamamahinga sa showbiz, nagbalik si Julia sa pag-arte sa pamamagitan ng weekly series na “24/7”.
Pero bigla nga itong nawala sa ere nang ipatupad ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng pag-iisyu ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN.
* * *
Nag-alay din ng dasal si Ogie Alcasid para sa mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho sanhi ng tuluyang pagpapasara sa network.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng mister ni Regine Velasquez ang panalangin hindi lang para sa lahat ng Kapamilya kundi para na rin sa lahat ng Pinoy na nawalan ng pagkakakitaan ngayong may pandemya.
“Abba Father, please take care of those who will lose their jobs and even those not involved with our company that have lost their jobs too.
“Times are really difficult. We humbly bow down before you and repent for what we may have done to offend your holy name.
“We ask for forgiveness and ask for your mercy and grace for all of us that are having a difficult time.
“We hold on to your promise that you shall heal our land from all these and take care of each one of us. In Jesus’s name we pray. Amen,” ani Ogie.