PIOLO astig na astig, pasado bilang action star

Matapos ang natatanging world premiere sa prestiyosong 66th Cannes International Film Festival sa France at parangalan sa katatapos lamang na 2013 Puchon International Fantastic Film Festival sa South Korea, ipapalabas na sa buong Pilipinas sa Aug. 28 ang mainit nang pinag-uusapang action-thriller ng Star Cinema at Reality Entertainment na “OTJ” (On The Job) sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Erik Matti.

Aminadong napabilib agad ang mga bida ng pelikula na sina sina Piolo Pascual, Gerald Anderson at Joel Torre sa unang basa pa lamang ng “astig” script ng “OTJ.”

“Natapos ko ‘yung script ng isang basahan lang. I fell in love with the project right away. I was so moved by it. I really felt there’s something different, something definitely out of the box,” ani Piolo na ipinagmamalaking maging bahagi ng pagbabalik-aksyon ng Star Cinema.

Bahagi ng engrandeng selebrasyon ng 20th anniversary ng Star Cinema, ang “OTJ”, at kwento ni Gerald, mala-Hollywood ang “OTJ” sa tindi ng mga maaaksyong eksena nila.

Aniya, “Dito ko naranasan ‘yung isang buong araw na shoot para lang sa chase scene namin sa MRT, sa city hall, at kung saan-saan. Feeling ko talaga nasa Hollywood kami kasi sobrang hirap kunan ang mga eksena namin.”

( Photo credit to Google )

Read more...