Bitoy, Ken, Kyline sa new normal: Kailangan naming seryosohin ang work from home

 

 

HABANG patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa, nananating “work from home” ang estado ng halos lahat ng empleyadong Pinoy.

Kabilang na rin diyan ang mga celebrities na hindi pa rin pwedeng bumalik sa taping, shooting at live shows, tulad ng mga ka-join sa ilang programa ng GMA 7.

Nitong Linggo, nagsimula nang mapanood muli sa telebisyon ang Sunday noontime show ng GMA na “All-Out Sundays” kaya naman todo ang ginawang paghahanda ng mga Kapuso stars para sa programa.

At para maka-adapt sa new normal, ibinahagi nila ang kanilang work from home setup para sa kanilang performances sa programa.

Ayon sa multitalented comedian na si Michael V., mahalaga na bigyan ng importansya ng mga artista ang new normal ng showbiz.

Aniya, “Now more than ever, kaming mga artista, kailangan namin talagang seryosohin ‘yung work from home.

“Alam ng marami na medyo mahirap lalo na sa mga taga-showbiz itong nangyayari sa mundo. Hindi kasi normal sa amin ‘yung mag-taping o mag-shooting mag-isa,” aniya.

Kwento naman ni Ken Chan, talagang siniguro nila na quality entertainment pa rin ang maibibigay nila sa kanilang loyal viewers kahit nasa kani-kanilang mga bahay.

“Sobrang nag-exert kami ng effort kaming mga artista and lahat ng production ng ‘All-Out Sundays’ talagang pinaghandaan. For us, mas mahirap itong gawin kasi magkakahiwa-hiwalay kami,” chika ng binata.

Dagdag naman ni Kyline Alcantara, kahit mahirap ay nag-enjoy naman sila sa kanilang work from home setup para sa show.

“Kailangan namin maghanap ng magandang shot, magandang space rito sa bahay para sa kung saan kami magsu-shoot. Mahirap pero na-enjoy ko,” sey ng aktres.

Mapapanood tuwing Linggo ang “All-Out Sundays: Stay at Home Party”, 12:45 p.m. sa GMA.

Read more...