“PLASTIK ka!”
Yan ang paratang ng ilang netizens kay Janno Gibbs nang mag-comment ito tungkol sa tuluyang pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN.
Hindi umano sila naniniwala na sincere ang pagpapayahag nito ng simpatya sa mga artista at empleyado ng Kapamilya Network na mawawalan ng trabaho.
Nagsimula ang pang-ookray ng netizens sa singer-comedian nang magkomento siya sa ipinost ni Regine Velasquez sa Instagram patungkol sa pagpapasara sa ABS-CBN.
Makikita sa IG photo si Regine na nasa harap ng ABS-CBN Millennium Transmitter at may caption na, “#proudKapamilya” na may tatlong heart emojis ng kulay ng network—pula, berde, at asul, at isang crying face emoji.
Sumagot dito si Janno at nag-post ng praying hands at red heart emojis.
Kasunod nito ang reaksyon ng isang netizen sa post ni Janno. Anito, “TALAGA??!! I also saw you liked a post in favor of ABS-CBN shutdown.
“Bakit ngayon may pa prayer emoji ka pa??” pang-aasar pa nito sa komedyante.
Sagot sa kanya ni Janno, ang pag-like niya sa sinasabi nitong post ay hindi pagsang-ayon o pagkontra rito kundi, “Like means i read it. TALAGA!”
Bwelta naman ng netizen, kung hindi raw siya pabor o sang-ayon sa isang post sa social media hindi niya ito dapat i-like.
Kasunod nito, ni-like ni Janno ang comment ng netizen sabay sabing, “Just to acknowledge that i read it.”
Isa namang IG user ang walang patumanggang tumawag sa kanya ng “plastic” dahil feeling nito fake ang pagsimpatya niya sa sinapit ng ABS-CBN.
Rumesbak ang singer at tinawag na “tanga” ang basher. Pero palaban ang netizen at sinagot uli si Janno.
“Ikaw ang tanga. Kaya wala kang masyadong projects. Galit ka nga e dahil hindi ka kasali sa station ID kahit boses mo lang. Ikaw malaking tanga,” anito.
Hindi na siya pinatulan ng singer-actor. Marahil naisip ni Janno na wala naman siyang mapapala sa pakikipag-away sa mga haters.