Jinkee, mga anak lumabag daw sa health protocol, lumabas nang walang face mask?

BATIKOS ang inabot ni Jinkee Pacquiao matapos niyang i-post sa kanyang Instagram account ang dalawang photos na kuha sa pagbabalik niya sa kanyang kinalakihang probinsya.

Kasama ni Jinkee ang dalawa niyang anak na babae sa photos na kanyang ipinost sa Instagram account niya.

Sakay ng “kariton” ang mag-iina. Halatang they were enjoying their ride. May nakapaligid din sa kanilang mga kababayan.

But the thing is, may nakapuna na may paglabag sa quarantine protocol ang mag-iina.

Wala kasi silang face mask. Hindi rin nila in-observe ang social distancing dahil magkakadikit sila habang lulan ng “kariton”. Maging ang mga nakapaligid sa kanila ay walang face mask at halos dikit-dikit rin.

May mga nagtatanong tuloy kung puwedeng sampahan ng kaso ang mag-iina dahil sa paglabag sa quarantine protocol.

There are people naman asking kung bakit wala silang mask at hindi nag-observe ng social distancing gayong alam na alam naman nila ang quarantine protocol.

Ang tanong din namin, wala bang barangay official na nagsabi sa kanilang dapat ay may suot silang face mask at dapat may social distancing.

Were they overwhelmed by the return of a bilyonarya nilang kababayan kaya keber na kung lumabag sa quarantine protocol.

Marami na ang nasampahan ng kaso matapos mahuli sa paglabag sa quarantine protocol.

May maglakas kaya ng loob na sampahan ng kaso si Jinkee dahil obvious naman ang kanilang paglabag?

Naaalala tuloy namin ang bagong policy ni Manila Mayor Isko Moreno na parusahan ang mga magulang ng mga minor na lumabag sa quarantine protocol.

Para sa amin, maganda naman ang policy na iyon kahit na ang tingin namin ay anti-poor iyon.

Kung paparusahan ang magulang ng minors dahil nahuli ang mga anak nilang lumalabag sa quarantine protocol, we felt na dapat ding parusahan ang mga magulang ng sinumang public or government official na makakasuhan ng corruption.

Sa aming palagay, mas karapat-dapat na ikulong ang mga magulang ng mahuhuling corrupt official dahil obviously ay hindi sila napalaki nang tama ng kanilang mga magulang.

Kapag ba ang anak mo ay nahuling nagnakaw sa kaban ng bayan ay masasabi mo bang maganda ang pagpapalaki mo sa anak mo?

At hindi ka ba nakinabang sa nakaw na yaman ng anak mo?

Actually, dapat pa nga ay isama ang buong pamilya ng corrupt public official sa demanda dahil malamang nakinabang sila sa nakaw na yaman.

That’s all!!!

Read more...