Lolit dumepensa kay Alfred sa isyu ng ABS-CBN: Hindi siya nangako o naduwag kaya walang betrayal

MULI na namang ipinagtanggol ni Lolit Solis ang kanyang alagang si Congressman Alfred Vargas.

In her latest Instagram post, mahaba ang aria ng pagtatanggol ni Aling Lolit.

“Hindi ko maintindihan iyon bashing na tinatanggap ng mga congressman na involved sa issue ng franchise renewal ng ABS CBN. Ok, nag-inhibit si cong. Alfred Vargas sa kanyang boto, so what’s wrong?

“Ayaw niya ng YES dahil mahal niya ang showbiz, ayaw niya rin ng NO dahil na bother siya ng ilang issues, so Inhibit siya. What did he betray? Nangako ba siya kahit kanino kung ano ang iboboto niya ? Tinakot ba siya kaya siya walang pinili panigan?

“May natanggap ba siya o tinanggihan kaya naging undecided sa kanyang sagot? Wala at hindi ang sagot sa lahat ng tanong. Hindi siya nangako, kaya walang betrayal. Hindi siya naduwag, ayaw lang niyang gawin ang isang bagay na half hearted siya. Ayaw niya guluhin siya ng konsensiya niya sa pagpili ng hindi buo ang puso at utak niya.

“The commitment of cong. Alfred Vargas is to his conscience, hindi kahit kanino o saan. Bashing him, judging him, bullying him will not change kung ano ang nangyari. Sumali man siya sa 11 talo parin, sumali man siya sa 70, dagdag bilang lang.

“Tanggapin na natin tapos na ang laban, huwag na natin ipilit pa ang nangyari na hindi na mababago. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”

Pero muli na namang binatikos ang alaga ni Aling Lolit ng mismo niyang followers sa IG. Ipinaiintindi nila sa manager ni Alfred kung bakit nila tinutuligsa ang congressman.

“His commitment manay is to his constituents. Dba sabi mo YES or NO lng. No gray area. Nag inhibit sya, pareho yun hindi sya kakampi. Ngtrabaho din sya sa ABS, dapat alam nya kung ano mararamdaman ng kapwa nya.

“Dapat me paninindigan sya. Me nabasa nga akong comment sa FB, dapat ang ITLOG ay dala mo khit san ka mgpunta. Me pandemya p nman, akala nila poket ngbibigay sila ng bigas at de lata ay malaking tulong na. Hanggang dun lng ba kya ng isip nila. Maka DIOS nga sila, mka TAO ba sila.

“Sa ibang bansa, panay bigay ng gobyerno ng ayuda sa small business. Halos 75% ng sweldo ay galing sa gobyerno pra lng wag mgsara. Only in the Philippines. ngsara ng kumpanya na me 11k employees.

“Gaganahan kb mg invest sa ganyang bansa?! Ang posisyon sa gobyerno ay di ipinapamana sa anak at ibang kamag anak! Por Dios por Santo!” ang mahabang aria ng isa niyang follower.

“Pa safe ang tawag dun. Mahal ang abs? Parang hindi naman po. Kasi kung mahal mo abs, inisip nya dapat ung mga employees. Mga nakitang mali? Bakit hindi sya nagsalita? Bakit hindi sya nagtanong?”

“Pag nangampanya sa election sabohin na bibigyan ng trabaho ang walang trabaho, dba madalis nating naririnig yan sa mga politiko e ano na ngayon ninais nilang mawalan ng trabaho ang libo libong pamilya.. d wala cyang bayag.. self centered cya d cya nakakatulong sa bansa.. parang ikaw lang yata ang may pakinabang sa kanya.”

Read more...