KUNG tutuusin ay puwede namang tanggapin ni Judy Ann Santos ang alok sa kaniya ng TV5 without really getting affected as far as her stability as an actress is concerned. Established na kasi si Juday at hindi naman dependent ang pangalan niya sa pangalan ng istasyong kinabibilangan niya, di ba?
Mas maganda sana if she stays with ABS-CBN dahil malakas ito even sa The Filipino Channel pero hindi naman niya puwedeng ipagpilitan ang sarili niya kung hindi naman niya nakakamit ang tamang respeto at pangangalagang deserved niya.
If she thinks that she’s unhappy on how she’s being treated sa Dos, she has every right to choose from her takers. Obviously ay masama nga ang loob ni Juday dahil sa malapit nang pagtatapos ng kaniyang lalong gumagandang series na Huwag Ka Lang Mawawala – it ends this Friday na – dahil nu’ng nakaraang presscon daw nito ay naibulalas ni Juday ang disappointment niya with how she’s being treated.
Okay naman daw ang respetong ibinigay sa kaniya lalo na ng Dreamscape Productions na siyang producer ng said soap pero hindi raw as expected. Kumbaga, kulang.
The fact daw na inililipat-lipat siya ng timeslot, seems like bwisit na bwisit na si Juday. Nakatatlong lipat na kasi siya ng timeslot and she didn’t want a fourth to happen.
Kaya instead of pushing still with the soap, nag-request si Juday na maagang wakasan ang said teleserye para walang isyu. Pinagbigyan naman siya – wala naman silang choice kasi nga masama na ang loob ni Juday.
Meron daw silang bagong shows na inaalok kay Juday pero nakiusap ang aktres na bigyan muna siya ng at least three weeks para makapagpahinga at makapag-isip. Pero ang totoo raw nito, ayon sa aking very reliable source, tuloy na tuloy na ang dinner nina Juday at manager niyang si tito Alfie Lorenzo with TV5’s big boss, Mr. Manny V. Pangilinan, for a possible team-up.
Pag nagkaayos sina MVP at Juday, malamang that ABS-CBN will lose another gem sa TV industry in Judy Ann Santos. Sabi nga namin, kung nakayanan nga ni Juday na mawala sa limelight for two years at nakabalik na parang hindi naman siya nawala, puwede na siyang mag-breadtrip muna for two to three years – tsaka na lang mag-bounce back, di ba? Sayang naman ang magiging offer ng TV5 kung saka-sakali.
Kilala naman natin kung paano magbayad sa malaking stars ang Singko, as in sky-high talaga ang presyo. Juday is Juday, hindi na ganoon kadaling tibagin ang pangalang iyan. Isa siya sa mga artista nating naka-cross gracefully from being a star to becoming a respected actress.
Kaya mahirap nang itumba ang pangalang Judy Ann Santos. Malakas pa rin talaga ang following niya. Iba ang brilyo ni Juday. Mass-based kasi. Good luck na lang sa iyo, Juday. We wish you the best. Mahal ka namin at alam mo iyan. Mwah!
( Photo credit to Google )