KRISTA MILLER sawa na kay BUBOY; nilalandi si JC DE VERA


STARLET to starlet. ‘Yan ang drama ng rumors na nag-uuganay kina JC de Vera at Krista Miller, ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit nawasak ang relasyon nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Si JC, lumayas na sa Singko and the other starlet ay nasa TV5 pa rin naman yata. Meron kasing lumabas sa isang popular website na palitan nilang dalawa ng messages sa Twitter.

“JC nagpupunta ka pa ng elorde? May sasabihin ako sayo. Pno kita mokokontak?” tweet ni Krista kay JC to which the actor replied, “Hahaha panu ba. @iamkristamiller.”

“S bday ko kasi! Haha. Kunin ko kay miss fhaye? Kay eula? Sa tv5? Sa elorde? Haha o sa showtime? Hahaha!” tweet naman ni Krista.

So, parang me namumuong romance na kaagad ang basa ng mga readers sa palitan ng mensahe ng dalawang starletitas.
Naku, makaganda kaya sa bagong imahe ni JC ang pagkaka-link na ito niya kay Krista?

Kalilipat pa lang ni JC sa Dos kaya naman we don’t think any rumor with an EVEN LESSER STARLET will do his career good. Actually, it will do him more harm.

Teka, bakit wala pa kasing Kapamilya ang nagpaparamdam kay JC gayong he looks deliciously sexy naman noong mag-guest siya sa show ni Vice Ganda?

‘Wag na nating itanong kung paano sila nagkakilala ni Krista dahil malamang nangyari ito noong nasa TV5 pa si JC. Ang question lang ng ilang nakabasa ng tweet ni Krista, knows kaya ni Cesar Montano ang tila pakikipaglandian niya kay JC? Teka, may relasyon pa rin ba sina Krista at Buboy?

( Photo credit to Google )

Read more...