outbrain

Babala ni Macky sa nambastos sa 3 anak ni Sunshine: It’s like cyber-rape, dapat silang parusahan

July 14,2020
share this

Babala ni Macky sa nambastos sa 3 anak ni Sunshine: It’s like cyber-rape, dapat silang parusahan

July 14,2020 - 04:28 PM

NAGPAKATATAY na ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay sa kanyang mga anak matapos ipagtanggol ang mga bata sa mga manyak.

Binalaan nito ang lahat ng mga mambabastos sa mga babaeng anak ni Sunshine kasabay ng pagkondena sa lahat ng mga nambu-bully sa social media.

Ayon kay Macky na nagtatrabaho bilang executive assistant sa opisina ni San Juan City Mayor Francis Zamora, kailangang turuan ng leksyon ang mga bastos at manyakis sa socmed.

“I have known my Sunshine and the three girls for almost 4 years, I even have my own nickname for the three of them (Ange, Sammy, and Cheskie).

“I love them in a special way already as if they were my own children. Our angels as I would call our kids.

“So these disgusting issues of boys, these sexual predators online, who are violating, objectifying, cyber sexually harassing my Sunshine and the girl will never sit with me. This has to stop,” ang pahayag ni Macky sa kanyang social media post.

Diin pa niya, “For me, it is like ‘cyber-rape,’ being committed by these maniacs online.

“This is a form of cybercrime and these people should be put in jail. For the minors, in an institution.”

Kamakailan, ipinaalam ni Sunshine sa madlang pipol ang panghaharas umano sa kanyang mga anak ng ilan nilang schoolmates na lalaki. Nag-post siya ng mga ebidensya sa socmed para patunayan ito.
“Schoolmate ito ng mga anak ko. I hope you will also have the courage to say this in front of our faces at hindi lang sa Facebook.

“Wala kaming sinasaktan at inaapakang tao. Hindi pagkain o bagay ang mga babae.

“Anong satisfaction ang nakukuha niyo sa pambabastos niyo sa amin? I may have done sexy movies in the past but it is never a valid reason to treat us this way,” sabi pa ni Sunshine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending