Kim Idol hindi na ibuburol kapag nag-positibo sa COVID-19, iki-cremate agad | Bandera

Kim Idol hindi na ibuburol kapag nag-positibo sa COVID-19, iki-cremate agad

Reggee Bonoan - July 13, 2020 - 03:19 PM

 

DEPENDE sa magiging resulta ng COVID-19 test na isinagawa kay Kim Idol kung ibuburol muna ang kanyang labi o agad itong iki-cremate.

Pumanaw ang komedyante kaninang umaga sa edad na 41 matapos ma-confine ng ilang araw aa Manila Central University Hospital dahil sa pagdurugo sa utak dulot na sakit niyang AVM o brain arteriovenous malformation.

Hinihintay pa ng ina, dalawang kapatid na babae at apat na pamangkin ni Kim o Michael Argente sa tunay na buhay, ang COVID-test result bago sila makapagdesisyon tungkol sa magiging lamay.

Ayon kay Briane Alejandria na nagbibigay sa amin ng update tungkol kay Kim, “Hinihintay nila ang letter ng COVID RESULT ni KIM ngayon o bukas, kapag POSITIVE diretso libing (walang cremate na magaganap).

“Kapag NEGATIVE naman maglalaan sila ng SKED sa wake for the FAMILY, CLOSE FRIENDS at FANS. Sa FUNERARIA PILIPINAS malapit sa MAKATI CITY HALL ang wake kung sakali,” mensahe niya sa amin.

Malapit na kaibigan ni Kim si Briane na pamangkin naman ni Lito Alejandria, ang partner ni Allan K sa mga comedy bars na Zirkoh at Klownz kung saan regular performer ang yumaong komedyante.

Si Briane ang nagrekomenda kay Kim para tumulong sa COVID-19 patients na nasa quarantine noon sa hotel ng Makati City hanggang sa nalipat siya bilang marshall sa Philippine Arena.

Mukhang may premonition na si Kim sa mga kasamahan niyang frontliners sa Philippine Arena dahil nitong Linggo ay binigyan pa siya ng tribute.

Post ni Briane, “SOBRANG PROUD AKO SA YO KIM IDOL Kahapon ay binigyan ng SALUDO ng mga SUNDALO, DOCTORs, NURSES, at mga FRONTLINERS ng BUREAU OF QUARANTINE kasama ng mga OPISYAL nito si MICHAEL ARGENTE a.k.a. KIM IDOL bilang pagpapugay sa 4 NA BUWAN nyang Paglilingkod at Pagpapasaya sa mga COVID 19 PATIENTS. ANG DAMING NAGMAMAHAL SA YO Kim. LABAN KA LANG. Me awa ang Diyos. GAGALING KA. I CLAIM IT. In JESUS’ MIGHTY NAME.”

Bumaha naman ng pakikiramay sa social media mula sa mga nakatrabaho, kaibigan at sa napasayang mga tao ni Kim sa loob ng 20 years niya sa industriya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending