P1-B na ibinayad ng TV5 kay SHARON sayang lang; OGIE bilyones din ang sweldo sa SINGKO


Mukhang hindi na solo ni Sharon Cuneta ang rumored P1 billion talent fee nang pumirma siya ng kontrata sa Singko.
There’s a newer rumor na pati daw pala itong si Ogie Alcasid ay isang bilyong piso rin ang magiging talent fee sa kanyang multiple year contract sa TV5. Ano ito, gaya-gaya?

While capable naman ang TV5 na magbayad ng ganito kalaking halaga, hindi naman kaya sila magsisi sa bandang huli?
Look at Sharon. Ilang buwan na siyang walang show.

Me bayad siya pero hindi siya napapanood. Sabi nga ng ilang nakakausap namin, ang TV5 ang lugi rito, hindi ang Megastar. Imagine, tuloy ang sweldo niya, kahit walang work?

Her first show sa TV5 was a BIG DISASTER in terms of audience and rating. Wala rin masyadong pumasok na commercial.
Actually, parang naging STAR na lang siya at hindi na MEGA.

Ngayon, merong nilulutong bagong show kay Sharon. It’s called tawaserye, whatever that means. Will it work with her this time? Parang hindi pa rin. Malayung-malayo kasi ito sa nakasanayang imahe niya sa showbiz.

Kung soap pa ang ginawa niya, baka pa. After all, carry naman niyang magdrama. Kaya lang, lalong hindi papaya si Sharon sa soap. Hindi niya carry ang magpuyat nang mahabang oras, ‘no. Ayaw niya niyan.

Speaking of Sharon, naloka raw ang Baby Gil ng Viva dahil kung sino-sino raw ang invited sa isang meet-the-press event for Sharon. Wala raw ang mga kapanalig ng Megastar.

So, what did Baby do? Ayun, may-I-call siya sa attention ng PR ng Singko para sabihing imbitahan ang close reporter-friends ni Sharon. Siyempre nga naman, mas feel ni Ate Shawie na meron siyang mga kapatid na kahuntahan.

( Photo credit to Google )

Read more...