Hindi raw talaga niya maintindihan kung bakit hinayaan ng Kongreso na mawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado at artista ng Kapamilya Network lalo pa ngayong may health crisis sa bansa.
Sa panahon daw na ang lahat ay nagkakaisa at nagbabayanihan para masigurong ligtas at may kinakain araw-araw ang mga pamilyang Pinoy, heto’t mas pinili ng mga mambabatas ang tuluyang maipasara ang isang kumpanyang walang inisip kundi ang tumulong at magpasaya sa mga tao.
Ipinagdarasal din niya ang lahat ng mga kapwa Kapamilya na mawawalan ng kabuhayan ngayong wala nang kasiguruhan ang trabaho nila sa network.
“Lahat tayo pilit nagtutulungan para halos lahat ng kababayan natin makasurvive sa pandemic. And now madadagdagan pa lalo ang mawawalan ng trabaho sa gitna ng crisis,” simulang tweet ni Alex.
“I am now praying for my Kapamilyas na tunay na mawawalan ng kabuhayan at pagkakataon. Lord please help us.
“Small and big businesses are trying to adjust and maging lenient sa mga patakaran nila. Employees are understanding their employers if they cut back their salaries.
“Everyone is trying to help each other because we are all struggling to survive a crisis. Nahihirapan ako unawiin,” lahad ng kapatid ni Toni Gonzaga.
Narito naman ang mensahe niya sa mga nasa Kongreso, “Sa ating mga kongresista, nirerespeto po natin ang batas and due process.
“Pero sana po manaig sa inyo ang pagiging makatao na sa gitna ng crisis baka pwede muna gawan ng paraan para di madagdagan pa lalo ang mawawalan ng trabaho sa panahong ito. Humanity over legality please.”