Hirit ni Regine sa Eleksyon 2022: Ihalal ang nararapat at totoong maglilingkod!

MATAGAL-TAGAL pa ang susunod na Presidential elections pero mukhang minamadali na ito ng ilang celebrities.

May kinalaman ito sa mga kapalpakan at sablay ng ilang politiko sa pagresolba ng mga problema ng Pilipinas at ng paghihirap ng milyun-milyong Filipino.

Tulad na lang ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na ngayon pa lang ay nagpapaalala na sa madlang pipol na maging wais at matalino sa pagboto sa susunod na eleksiyon.

Tweet ni Regine, “Sa susunod pong eleksyon nasa atin ang KAPANGYARIHAN ihalal ang mga nararapat na taong TOTOONG maglilingkod sa taong bayan. #IbalikAngABSCBN #KapamilyaForever.”

Nagpaalala si Regine sa mga botante sa gitna pa rin ng issue tungkol sa franchise renewal ng kanyang mother network, ang ABS-CBN. Inaasahang lalabas ang desisyon ng Congress anumang araw mula ngayon kung magbubukas pa ang istasyon.

Isa ang misis ni Ogie Alcasid sa mga Kapamilya artists na matapang na naninindigan at nakikipagpalaban para sa ABS-CBN. Makalipas ang ilang taong pagiging Kapuso, lumipat ang Songbird sa Dos noong October, 2018.

“Maraming salamat po sa pagmamahal at suportang inyong ibinibigay kapamilya. Dasal po namin na patuloy kayong paglingkuran,” aniya sa lahat ng sumusuporta sa network.

Samantala, naglabas din si Ogie ng kanyang saloobin sa kinakaharap na challenge ngayon ng ABS-CBN at umaasa siya na muli itong mabibigyan ng prangkisa.

“Although I have been a Kapuso from the year 1995 until 2012 and a Kapatid from 1992-1994 and 2013-2016, I started my career as a Kapamilya. When I returned to Channel 2 in 2017, it really felt great to see old friends and be welcomed again.

“Though my stint with the network may not be as long as the others, I still share the same fear and anticipation of losing our jobs. It is a scary thought and an overwhelming feeling of deep sadness accompanies it,” aniya pa.

Read more...