‘Ayuda video’ ni Miguel inilabas after 2 years; pamilya ni Carmina balik-trabaho na

 

MAKALIPAS ang dalawang taon, nagdesisyon ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix na ilabas ang isang video na matagal na niyang itinatago.

Naniniwala si Miguel na ito na ang tamang panahon para mapanood ito ng mga Filipino, lalo na ngayong may matinding pinagdaraanan ang buong mundo dulot ng health crisis.

Kuwento ng binata sa kanyang latest vlog, hindi niya inilabas ang nasabing video para magyabang, nais lamang niyang magbigay good vibes at inspirasyon sa kanyang kapwa.

Mapapanood sa video ni Miguel ang pamimigay niya ng pagkain sa mga taong naninirahan sa lansangan, partikular na sa mga bata at senior citizen.

“Malaki man o maliit, marami man ‘yan o konti ‘yung tutulungan mo, basta ang importante gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo.
“Kapag tumutulong ako tapos nakikita ko ‘yung reaction ng tinutulungan ko — napapasaya ko sila, ngumingiti, immediately I feel better,” aniya.

Esplika pa ng Kapuso actor, “Itong video na ipapanood ko sa inyo, na-edit ko na ito a few years ago. Siguro mga two years ago na.

“Hindi ko lang talaga siya na upload kasi ayokong magmukhang ginagawa ko lang ‘yun para sa video,” chika niya.

Feeling niya, ito na ang tamang panahon para ibandera sa mga Kapuso ang kaligayahang nararamdaman niya kapag nakakatulong sa kapwa.

“I think this is the right time to post this dahil marami tayong kababayan diyan na kailangan ng tulong. Marami kayo na gusto kong i-encourage,” kuwento pa ni Miguel.

Dugtong pa ng young actor, ito rin ang perfect time para magbayanihan at makatulong sa mga tunay na nangangailangan lalo na ngayong may pandemya.

Sey pa ng binata, ang ginastos niya sa pagbili ng mga pagkain na kanyang ipinamigay ay mula sa cash prize na napanalunan niya sa isang game show sa GMA 7.

* * *

Simula July 18, tiyak na mas sasaya ang inyong weekend dahil makaka-bonding nang muli ang hosts ng Sarap ‘Di Ba? na sina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi.

Mapapanood na ang mha bagong episodes ng programa na mismong kinunan sa bahay ng Legaspi familym

Hindi lang ‘yan, makikisali rin sa kasiyahan si Zoren na siya ring magdidirek ng special quarantine series ng talk show na pinamagatang “Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition.”

Isang masayang kwentuhan at kamustahan ang hatid nina Carmina na ikukwento ang kanilang naging buhay magmula nang ipatupad ang community quarantine. Abangan din kung sino ang kanilang special guest sa episode na ito.

Ngayong Sabado na yan, 10:45 a.m. pagkatapos ng Maynila sa GMA.

Read more...