HANGGANG ngayon ay buhay na buhay pa rin sa isip at puso ng ni Maxene Magalona ang isang aral na natutunan niya sa yumaong amang si Francis Magalona.
Ayon sa aktres, noong nabubuhay pa ang tatay niya, paulit-ulit nitong ipinaalala sa kanya ang maging patas sa kapwa at sa lahat ng bagay.
“One of the most important lessons that my father shared with me is to treat everyone equally.
“One time he was giving me advice about work. He told me, ‘Our job is just a job.’ He said, ‘Just because we appear on television, it doesn’t mean that we are better or more important than others.’
“It was my dad who taught me that we are all equal. We are all equal and we are all the same. We are all together in this world,” lahad ni Maxene sa kanyang Instagram post.
Tamang-tama raw ang life lesson na ito ngayong dumadaan sa matinding pagsubok ang buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.
Sabi pa ni Maxene, “And just by seeing how he treated the people around him fairly and equally, I learned how to see others equally as well.
“Until now, especially with what’s happening in the world today, it’s so important for us to see our fellow human beings equally.
“Let’s look them in the eye so that they know that they are not alone because we are all together in this world. We should all help each other, love each other and be united.”
Kasalukuyang nasa Bali, Indonesia ang aktres kasama ang asawang si Rob Mananquil, doon na kasi sila inabot ng lockdown.
Inamin ni Maxene na nakararanas na naman siya ng takot at inaatake ng anxiety attacks dahil sa kaiisip kung ano na ang mangyayari sa ating lahat habang patuloy ang laban ng lahat sa pandemya.
Nauna rito, ibinahagi rin niya sa publiko na na-diagnose rin siya ng Complex Post Traumatic Stress Disorder or C-PTSD at patuloy niya itong nilalabanan hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kanyang pamilya.
“This year, I made a promise to my heart that I would finally allow it to beat freely and happily. Instead of blindly following what my mind tells me to do like I usually do, I now take a moment to listen to my heart and follow my gut instinct and feelings,” pahayag ni Maxene sa isa niyang IG post.