Kulto ng bashers sunog kay Sharon: Parang wala kayong Diyos! Mga kampon yata kayo ni Satanas!

 

“LAOS na laos na po ako. Wala na dapat akong importansya!”

Yan ang bagong bwelta ni Megastar Sharon Cuneta sa lahat ng bashers at trolls na ayaw pa ring tumigil sa pambabastos sa kanya sa social media.

Hindi pa rin natiis ng singer-actress ang ginagawang pambu-bully sa kanya ng mga netizens kaya muli niyang tinalakan ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Aniya, ibinabandera ng mga haters sa buong universe na laos na siya at isa nang “bituing walang ningning” pero patol pa rin naman nang patol sa mga ginagawa at sinasabi niya.

“The ‘right people’ meaning the wrongest of the wrong. Yung mga bising-busy sa paninira sa akin ngayon na trolls.

“Yung mga pinagkakalat na laos na ako, pero follow naman ng follow sa akin at nagngingitngit sa pagcomment ng masasakit at bagay na bagay sa basurang mga salitang sadyang sa kanila lang puede manggaling! IG, Twitter, FB, YouTube, nagkakaisa silang sirain ang pangalan ko,” simulang litanya ni Mega.

“Saan ba nagsimula lahat ng kaguluhang ito? Hindi po ba sa kanila din? Pinagtatanggol ang kasamaan at pambababoy ng isang kasapi ng kulto nila.

“Binabaligtad at binibigyang kulay ang ilang mga nasabi ko sa galit, na ang iba naman ay di patungkol sa bastos na yon kundi ibang taong napatawad ko na.

“Eh laos na laos na po ako. Wala na dapat akong importansya! Wala na dapat meaning o atensyon ang anumang lumabas sa bibig ko kasi wala na akong relevance di ba yan ang sabi nyo?

“So bakit binibigyan niyo ako ng 100% na atensyon at lahaaaaat ng posts nyo nitong mga araw na ito ay paninira lang sa akin? Eh laos at wala na akong saysay di ba?

“Ayan tuloy, baka isipin ng iba may weight pa ng konti di lang ang sexy bochak body ko but also my words at baka sabihin ng iba sinisira nyo ako kasi gusto nyo masira ang kredibilidad ko sa taongbayan?

“Kayo rin – alam nyo 42 years na akong walang tinatago sa bayan. Napakahirap naman magpakaplastik at panindigan ang kaplastikan ng apat na dekada! Pag masaya, kita ng tao. Pag malungkot, kita ng tao. Pag galit, kita ng tao,” litanya ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan.

Hirit pa ni Mega, “Ngayon lang nga ako nagalit ng ganito. Kasi ngayon lang mula nung naging Pangulo si Pres. Duterte kayo nauso at nauso ang mga masasagwa at di masikmurang mga salita ninyo sa kapwa.

“Parang wala nga kayong Diyos. Mga kampon yata kayo ni satanas eh. Walang takot. Nakakahiya. Yuck! Tapos tinatanong niyo ako kung disente ako? Hahahaha?

“Basahin nyo muna ang mga mine message nyo at kayo na ang sumagot kasi kita naman kung sino ang may katwiran lumaban at kung sino ang…wala lang…bastos at walang urbanidad lang.

“Naku please 2016 lang kayo nagsimula. Ako 1978 pa. Dito na ako nagdalaga at tumanda. Patagalan ba ang gusto nyong laban?

“Eh di ko naman kayo papatulan na at kakalyuhin pa ang mahal ng mga taong mga daliri ko.

“Sayang naman ang time kong mag-beauty sleep at tikman ang mga masasarap na pagkaing pinadadala sa amin ng mga tunutulungan kong maliliit na negosyong struggling mula nung nagka pandemya,” pang-aasar pa ni Shawie sa kanyang bashers.

Read more...