Alden rumaket bilang cameraman ng Bulaga; All-Out Sundays rarampa na uli sa GMA

 

WINNER na winner sa puso ng mga netizens ang kumalat na behind-the-scenes photos ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Eat Bulaga.

Pinusuan at ni-like ng fans ni Alden ang kanyang BTS pictures nang sumubok siyang maging cameraman sa episode kahapon ng Kapuso noontime show.

Hindi ito nakaligtas sa avid viewers ng Eat Bulaga maging sa netizens na aliw na aliw sa mga cute photos ng Pambansang Bae. Sandamakmak na pampa-good vibes comments din ang inani ng Kapuso Drama Prince mula sa mga nakakita sa kanyang mga viral photos.

Maging si Bossing Vic Sotto ay napansin din si Alden. Komento nito, “Yung camera man natin, ang pogi, o!”

Samantala, balik-telebisyon na ang “All-Out Sundays” kung saan mapapanood si Alden at iba pang Kapuso stars simula ngayong Linggo sa GMA.

Matapos ang ilang buwan ay muling eere sa telebisyon ang paboritong Sunday tambayan na “All-Out Sundays: The Stay Home Party” this Sunday sa bago nitong timeslot at 12:45 p.m..

Bilang pag-iingat pa rin sa banta ng COVID-19, patuloy na makikipagtawanan at magpe-perform live ang AOS stars sa likod ng kanilang screens via ZOOM.

Abangan ang mga inihandang performances nina Alden, Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Ken Chan, at Rayver Cruz.

Samahan din sina Bianca Umali, Ruru Madrid, at Jak Roberto sa pagsagot sa mga kwelang katanungan mula kina Betong Sumaya at Paolo Contis. Habang katatawanan naman ang dala nina Pekto, John Feir, at EA Guzman na susubukang makamit ang titulo ng “Walang Talent.”

Read more...