Showbiz workers nagte-training na bilang rider sa delivery business ni Dingdong
NAGSIMULA na ang training ng mga dating showbiz worker na pumasok bilang rider sa delivery business na itinayo ni Dingdong Dantes.
Tulad ng pangako ng Kapuso Primetime King, tutulong siya hanggang sa abot ng kanyang makakaya sa mga kasamahan nila sa industriya ng telebisyon at pelikula na nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.
At isa nga sa naisip niyang paraan ay ang pagbubukas ng delivery app at ang mga kukunin nga niyang rider ay ang mga kasamahan niya sa showbiz.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng “Descendants of the Sun” lead star ang ilang litrato na kuha sa pagsisimula ng training program.
Makikitang istrikto pa ring sumusunod ang mga rider sa health protocols na ipinatutupad ng gobyerno sa venue ng training.
Nitong Hunyo, ibinandera ni Dingdong na magtatayo sila ng isang delivery app na tatawaging DingDong Ph para mabigyan ng bagong pagkakakitaan ang mga showbiz worker na nawalan ng trabaho dahil sa health crisis sa bansa.
“I think in this disruptive world, there is still a huge space especially for start-ups like these. I think the best is to offer alternatives and to cater to specific needs.
“Kasi I’m pretty sure hindi naman lahat ng pangangailangan ay nabibigay ng isang namumukod-tanging kumpanya. Doon pa lang sa aspetong ‘yon, it’s best to have alternatives.
“Nu’ng inisip ko siya, gusto ko solutions-based. I identify the problem first then I cater solutions specifically,” pahayag ng mister ni Marian Rivera.
Wala pang eksaktong petsa kung kailan magsisimula ang operasyon ng nasabing delivery app.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.