Paolo dumiskarte para makuha ang loob ng anak ni LJ; Andrea napasigaw ng ‘I love you, Lauren’

 

“’Yung mga games, magpatalo ka lang nang magpatalo.”

Ito ang ibinandera ni “All-Out Sundays” star Paolo Contis sa publiko na siyang dahilan kung paano niya nakuha ang loob ni Aki, ang panganay na anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino.

Aniya, mahabang proseso raw ito na hindi dapat ipilit o madaliin, “Kasi to begin with, it is a process. Hindi siya puwedeng i-fake, hindi siya puwedeng i-fake care, i-fake love.

“Hindi puwedeng ipipilit na, ‘Oy, respetuhin mo ako, boyfriend ako ng mommy mo.’ Hindi puwedeng mangyari ‘yun. Uunti-untiin mo ‘yun,” pagbabahagi ng Kapuso actor.

Dagdag pa ni Paolo, hindi rin daw sa pagbibigay ng materyal na bagay nakukuha ang loob at respeto ng bata.

“Ako, masasabi ko na, we’re on that stage na ni Aki na mayroon kaming respect for each other, love for each other. It takes time,” aniya pa.

Ka-join si Paolo sa online show na “All-Out Sundays: The Stay Home Party” na mapapanood na rin sa telebisyon simula ngayong Linggo (July 12),12:45 p.m. sa GMA.

* * *

Naging eye-opening at malaman ang discussion sa latest episode ng “How Do You Feel: Usapang Artista” tampok ang mga aktres na sina Janine Gutierrez, Andrea Torres, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Athena Madrid, Lauren Young at Cai Cortez.

Pinag-usapan nila ang tungkol sa womanhood at kung paano nila ito ginagampanan sa kani-kanilang mga roles.

Kwento ni Andrea, humanga siya sa mga sinabi ni Lauren Young at mas nakilala pa niya ang aktres.

Aniya, “Sabi ko nga after ‘eh ‘I love you Lauren!’ Sobrang open niya doon sa discussion na ‘yon and ang dami kong natutunan sa kanya, ang dami kong nakuha sa kanya.

“And I guess ‘di ko pa siya nakaka-work before so first time ko makita siya magsalita ng ganoon. Nakakatuwa,” sey ng girlfriend ni Derek Ramsay.

Maaari pa ring mapanood ang episode ng “How Do You Feel: Usapang Artista” tungkol sa Womanhood sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page.

Read more...