10 huli sa anti-drug operation sa QC

NAARESTO ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon ang 10 drug suspects sa Quezon City.

Nahuli ng Fairview Police sa buy-bust operation sina Laura Angela Navarro, 35, Maria Andrea Dimayuga, 35, alas-6:30 kagabi sa Casa Barcelomna, San Benissa Garden Villas, Brgy. Kaligayahan. Nasamsam umano sa kanila ang P20,400 halaga ng shabu.

Nasakote naman ng Batasan Police sina Andres Callos, 41, at Jonathan Hernaez, 40, alas-10:30 kagabi sa Riverside st., Brgy. Commonwealth. Nakuhanan umano sila ng tatlong gramo ng shabu.

Cubao Police naman ang umaresto kina Bryan Vincent Pagayaon, 41, at Jhun William Giberson, 53, alas-9:40 kagabi sa New York st., kanto ng Montreal st., Brgy. E. Rodriguez. Nakuha umano sa kanila ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.

Sa isa pang operasyon naaresto si Rafael Lomtong, 21, alas-5 ng hapon sa tapat ng Shell Gas Station sa kanto ng 20th Ave. at P. Tuazon Blvd. Brgy. San Roque, Cubao. Nakuhanan umano siya ng P5,400 halaga ng shabu.

Naaresto naman ng Project 4 Police sina Paul Jesse Dy, 40, Russel Rafols, 28, at Ralph Jed Laroco, 35, alas-2:30 ng umaga kanina sa Mapagmahal St., Brgy. Escopa 1, Project 4.

Nakuhanan umano siya ng tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

Read more...