P27M shabu nasamsam, 4 huli sa buy-bust

NASAMSAM ng pulisya ang P27 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City kagabi.

Naaresto sa operasyon sina Jinky Pascio Arbolado, Jhon Christopher Guzman, Cristina Burill, at Siloren Tabiano.

Nakabili umano ang poseur buyer ng shabu sa mga suspek alas-8 ng gabi sa Biak na Bato kanto ng Cuenco st., Brgy. Sto. Domingo.

Nang maaresto ay narekober umano sa mga suspek ang apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27.2 milyon.

Read more...