HINDI umano kailangang magpatumpik-tumpik ang Kamara de Representantes at agad na ipasa ang Bayanihan II sa pagbabalik sesyon sa huling linggo ng buwan.
Ayon kay San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, isa sa may-akda ng House bill 6953, mahaba pa ang laban ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 at sa epekto nito.
“There is indeed need to give President Duterte enough authority to implement the extraordinary but necessary measures in order to protect and help our people in these difficult times until a cure or vaccine for the Covid-19 is developed,” ani Robes.
Nanawagan din si Robes sa kanyang mga kapwa mambabatas na isantabi ang pulitika at ipasa ang Bayanihan II (House Bill 6953).
“We have done it before and I hope we will do it again. We should strive to set aside our political differences for the good of our countrymen who are now suffering because of this pandemic. There should be no delay once session resumes on July 27, 2020,” saad ng lady solon.
Noong Hunyo 4 ay inaprubahan ng House committee of the Whole ang HB 6953. Nasa period of amendment na ito bago ipasa sa ikalawang pagbasa.
Sinabi ni Robes na patuloy ang pag-aaral upang makahanap ng gamot laban sa COVID-19 at habang wala pang gamot maraming dapat na gawin upang maproteksyunan at matulungan ang mga apektado nito.
Mahalaga umano na maipagpatuloy ang paghahanap at paggamot sa mga nahawa at ang mga hakbang upang maiwasan ang lalong pagkalat nito. Kailangan din umano ang economic stimulus programs para matulungang makabangon ang mga negosyo at empleyadong naapektuhan ng ipinatupad na quarantine.