‘Dila prank’ ni Alex sa dyowa nagpasabog ng kilig: Sana all, may Mikee! 

TRENDING at viral na ang punchline na “Catherine, ano ba?!” sa social media dahil sa latest paandar at kalokahan ni Alex Gonzaga.

Nagpasabog na naman ng good vibes at kilig ang actress-vlogger nang mabiktima niya ang fiancé na si Mikee Morada sa bago niyang prank video. 

Aliw na aliw ang milyun-milyong niyang subscribers sa YouTube sa in-upload niyang “dila prank” kung saan hindi lang si Mikee ang nabiktima kundi pati ang nanay niyang si Mommy Pinty at dalawang kasambahay.

Mapapanood sa simula ng video ang pagka-shock ni Mommy Pinty nang makita ang anak na may nakatusok na tinidor sa dila nito.

Pero bago pa siya tuluyang maghisterikal tinanggal agad ni Alex ang pekeng dila kung saan nakatusok ang tinidor.

 “Nakakasakit ng dibdib ‘tong bwisit na to,” galit na reaksyon ng ina ni Alex na agad namang nag-sorry sa takot na masampal ng nanay.

Shookt din ang dalawang kasambahay nilang sina Lhen at Jen nang mabiktima ni Alex at napaiyak pa nga sa matinding takot at pagkabigla. 

Sa huling bahagi ng video, biglang dumating si Mikee at muling ikinabit ni Alex sa bibig ang pekeng dila. Dito na umakting nang bonggang-bongga ang sisteraka ni Toni Gonzaga.

Nang makita ito ni Mikee bigla itong napasigaw ng “Catherine, ano ba!?” sabay agad hinila ang tinidor sa “dila” ng kanyang future wife. Makikita rin sa video ang akting na akting na uncle ni Alex na si Jojo kaya naging mas makatotohanan ang nakakalokang “dila prank”.

Napatulala na lang si Mikee nang malamang nabiktima pala siya ni Alex. Tuwang-tuwa naman ang TV host-actress sa reaksyon ng fiancé dahil napatunayan niya kung gaano siya kamahal nito.

Aniya sa tonong kumakanta with matching dance moves, “That’s true love, true love, true love!”

Sa Twitter, umani ng papuri si Mikee mula sa mga netizens dahil pinatunayan nga nito kung gaano niya kamahal si Alex. At bukod sa kilig na hatid ng nasabing prank, halos lahat ay napahugot ng, “Sana all may Mikee!”

Read more...