IPINAGBUNYI ng multi-sector group na Liga Independencia Pilipinas (LIPI) ang pagiging ganap na batas ng Anti-Terror Bill.
Naniniwala si LIPI Secretary General Jose Antonio “Ka Pep” Goitia na mapoprotektahan ng batas ang mga Pilipino at ang bansa laban sa mga terorista.
Sinisigurado rin ni Goitia sa publiko na mayroong mga probisyon ang batas na mangangalaga kontra sa mga paglabag sa mga karapatang pantao.
“Malinaw namang kinikilala ng batas ang Bill of Rights sa 1987 Constitution at may mekanismo nakalatag sa potensyal na paglabag ang Anti-Terrorism Council,” aniya.
“I can assure you, the ATB is a good law– one that is swift, effective and most importantly, constitutional,” dagdag niya.
Nagpasalamat din siya kay Pangulong Duterte sa ginawa nitong paglagda sa batas sa kabila ng mga oposisyon dito ng ilang sektor.
“Ito ay isang batas na magpapalaya sa atin lahat sa banta ng lahat ng uri ng terorismo dito sa bansa. Ang mga humahadlang at ayaw rito ay nung una pa man balakid at kritiko na sa mga magagandang plano ng Administrasyong Duterte para sa totoong pagbabago at ikabubuti ng lahat at hindi ng iilang sektor lamang nang lipunan. Kaya batid natin na hindi na bago ang kanilang pagtutol dito at ang iba naman ay nagsasawalang kibo lang sa magandang batas na naipasa dahil takot sila sa kahihinatnan ng kanilang politikal na ambisyon dahil nga sa tingin nila ay hindi ito popular sa ibang sektor na magagamit nila sa darating na halalan,” ani Goitia.
Payo ni Goitia sa mga tumutuligsa sa batas: “Read the bill thoroughly so they can fully understand it because there are plenty of misconceptions and misinterpretations going around in several social media platforms.”
“With the passage and signing of the ATB into law, the Filipino people will have freedom against all sorts of tyranny, oppression, violence, killings of innocents, and the long-standing armed insurgency brought by communist groups, Islamic extremists, and other rebel organizations in the country,” dagdag niya.
Ang Liga Independencia Pilipinas ay koalisyon na kinabibilangan ng 48 organisasyon mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.