PUMASOK sa kasunduan ang Grab Philippines at Navotas City government upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga tricycle driver sa lungsod.
Kukuha ang Grab ng 500 tricycle driver sa Navotas upang gawing delivery partner at madagdagan ang kanilang kita.
“With responsible use of technology as well as our enduring partnership with the City of Navotas, we hope to continue helping our Navotenos who have been greatly affected by the pandemic get back on their feet through the many livelihood opportunities available on our Grab platform,” ani Brian Cu, Grab Philippines President.
Nagpasalamat naman si Mayor Toby Tiangco sa GrabBayanihan program na hindi lang umano dagdag na kita ang hatid sa mga tricycle driver kundi nagbibigay din ng pag-asa sa mga residente.
Ang mga mapipiling tricycle driver ay sasanaying upang maging GrabFood at GrabExpress delivery-partners.
Bukod sa mga driver, matutulungan din ng Grab ang may 500 Micro, Small and Medium Enterprises na naapektuhan din ng pandemya.
Upang makasali dapat ay residente ng Navotas ay edad 21-50 na mayroong smartphone at mayroong tricycle, motorsiklo o bisikleta. Kung walang sariling tricycle o motorsiklo kailangang magsumite ng authorization letter sa may-ari ng sasakyan na pinapayagan niya itong ipasok sa programa.
Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO).