Operator, driver walang babayaran sa QC Code

 

WALANG babayaran ang mga operator ng traditional jeepney na pinayagan nang bumiyahe sa pagkuha ng QC Code.

Ayon kay Department of Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na hindi rin kailangang pumunta sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para makakuha ng QC Code.

Sinabi ni Libiran na sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang migration ng website ng LTFRB sa Department of Information Communication Technology.

Kapag natapos ito ay makakapag-download na ang mga operator o driver ng QR Code na kailangan nilang i-print at ipaskil sa mga jeepney.

“Base sa naturang MC, ang QR Code ang magpapatunay na ang naturang PUJ ay pinapayagang bumiyahe sa kanilang ruta na kabilang sa 49 na rutang binuksan ng LTFRB,” saad ng DoTr.

Hindi umano huhulihin ang mga jeepney na pinayagang bumiyahe hanggang sa Linggo.

Ang mga tradisyonal na jeepney na pinapayagang bumiyahe ay ang mga ‘roadworthy’ batay sa pamantayan ng Land Transportation Office.

Kailangang sumunod sa mga health protocol gaya ng paglimita sa maisasakay na pasahero at pagsusuot ng face mask ng driver at konduktor.

Read more...