DALAWANG reefer container vans ang ipinadala ng Department of Transportation sa Romblon upang magamit na paglagyan ng mga nabubulok na produkto.
Ang container vans ay bigay ng Association of International Shipping Lines Inc. (AISL) sa DoTr sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority (PPA).
Nagpapadala ang DoTr ng mga reefer container van sa iba’t ibang lugar sa bansa sa ilalim ng “Palamigan ng Bayan” program.
“This initiative aims to help the agriculture sector preserve the quality of their farm produce and gain better market access, as well as further strengthen and boost the government’s response efforts amid the current economic crisis brought about by the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic,” saad ng DoTr.
Sa kabuuan ay 11 na ang container van sa ilalim ng programa.