8 huli sa droga

ARESTADO ang walo katao sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Quezon City.

Naaresto ng Masambong Police sa buy-bust sina Dominador Galleno, at Jefferson Tan, 40, alas-8:15 ng kagabi sa Road 3, Brgy. Bagong Pag-asa. Nasamsam umano sa kanila ang limang gramo ng shabu.

Sa hiwalay na buy-bust operation naaresto naman sina Dino Mallari, 48, Edwin Lahom, 48, at Rowena Dela Cruz, 36, alas-6:50 kagabi sa Kundiman st., Brgy. Paltok. Nakumpiska umano sa kanila ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

Nahuli naman ng Anonas Police si Samuel Cacharo, 49, alas-6:30 kagabi sa Tiburcio Extn., Brgy. Krus na Ligas. Nasamsam umano sa kanya ang P27,200 halaga ng shabu.

Nasakote rin sina Bryan Hintalan, 20, alas-10:20 kagabi sa H. Ventura st., Brgy. Pansol. Nagsasagawa umano ng Oplan Sita ang pulisya ng dumaan ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo at walang suot na helmet.

Hindi umano huminto ang suspek kaya hinabol ng mga pulis. Nang masakote ay nakuhanan umano ito ng P13,000 halaga ng shabu at isang sachet ng marijuana.

Galas Police naman ang humuli kay Ryan Philip Mansueto, 19, alas-7:30 ng umaga kanina sa Kaliraya, Brgy. Tatalon. Wala umanong suot na facemask ang suspek kaya sinita pero nagtangka itong tumakas. Nakuhanan umano ito ng apat na sachet ng marijuana.

Read more...