Meralco: Walang putulan hanggang Setyembre
PINALAWIG ng Manila Electric Company ang panahon na wala magaganap na putulan ng suplay ng kuryente sa mga kustomer nito.
Sa pagdinig ng House committee on Energy, hiniling ng chairman ng komite na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Meralco na ikonsidera na palawigin pa ang hindi pagputol sa mga hindi makababayad.
“Can we request Meralco to extend the period guaranteeing that there will be no disconnection to give people more time to recover and get back on their feet as their work resumes and businesses reopen?” ani Velasco.
Sagot naman ni Meralco President Ray Espinosa: “We will extend the no disconnection until September 30 of this year.”
Nauna ng sinabi ng Meralco na walang magaganap na disconnection hanggang Agosto 30.
Nagpasalamat si Velasco sa ginawa ng Meralco at pinatitignan kung maaari pa itong palawigin.
Sinabi ni Velasco na dagdag stress sa marami ang mataas na bayarin sa kuryente na mahigit doble ang regular na bayarin ng mga ito.
“These complaints bring additional stress to people. Meralco needs to fix its systems and improve its customer service,” saad ni Velasco.
Tiniyak naman ng Meralco na ang sinisingil lamang nito ay kung ano ang nakonsumo ng kanilang kustomer.
Ayon kay Velasco nakikinig ang komite sa mga reklamo ng publiko.
“That’s why thru the committee ipinaparating nating ang concerns ng mga tao sa Meralco. Pakigandahan ang customer service ninyo. Kung kinakailangang magdagdag kayo ng tao para magawa ito. Maraming mga kababayan natin ngayon ang walang trabaho, baka makatulong pa kayo habang ginagawa ninyo ang serbisyo ninyo.”
Maraming nagpadala ng mensahe sa komite sa pamamagitan ng social media at inirereklamo ang napakataas umanong singil ng Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.